Monday, September 3, 2012

Nathaniel "Mang Tani" Cruz: "Ekspertong Totoo"



After he left PAGASA for a carreer in Darwin, Australia, he is the man that I always wanted to see explaining to us on national television about weather. He is no other than, Nathaniel “Mang Tani” Cruz. I was delighted when I see him again one night on GMA 7’s 24 Oras as their resident meteriologist.

Find out more about him in the following articles of the Manila Bulletin and GMA News Online, why he is tagged by Mr. Mike Enriquez as "Ekspertong Totoo".




Weather Man
GMA-7’s meteorologist Nathaniel ‘Mang Tani’ Cruz
By RACHEL C. BARAWID, ANGELO G. GARCIA and RONALD S. LIM
August 18, 2012, 3:37pm

For GMA News resident meteorologist Nathaniel “Mang Tani” Cruz, his job is all about saving lives.

Even when he was still deputy administrator and spokesperson of the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Mang Tani has been working hard to give accurate and credible weather forecasts and warnings to help avert disasters and save life, limb and property amid lack of necessary tools and equipment.

But like most professionals, Mang Tani dreamed of  reaching greener pastures to provide a better future for his wife Gloria and their three children. His two-year working stint at the Bureau of Meteorology in Darwin, Australia gave him much fulfillment and enticed him to consider residing there for good with his family.

But Mang Tani had to drop this plan and return to the country after he almost lost his wife last year.

“Dalawang taon na lang sana, Australian citizens na kami. Pero nastroke ang asawa ko. Namaga ng husto ‘yung utak niya, marami na ang namatay na brain cells. Hindi nila alam kung maibabalik pa siya. Araw-araw kinakausap ako nung doktor at sinasabi na pumayag na ako na matanggal ‘yung ventilator niya kasi nahihirapan na siya,” Mang Tani tearfully recalls.

With non-stop prayers, his wife miraculously recovered. That life-changing experience made him decide to give up everything in Australia, come home and rebuild their lives. Fortunately, things started to turn around as GMA 7 even gave Mang Tani the chance to continue pursuing his passion and vocation as a meteorologist.

His return came at the time when TV stations are beefing up their news programs with more comprehensive weather reports. This is due to peoples’ growing interest in weather information as changing weather patterns, stronger typhoons and destructive monsoons continue to hit the country.

Today, Mang Tani’s expertise, coupled with a sophisticated weather system,  is making all the difference on primetime TV weather news reporting.  Their program called GMA Weather, shown on “Unang Hirit,” “Saksi,” and “24 Oras,” is considered to be the most comprehensive and reliable weather information source on television as it is powered by Weather Central, the most-viewed weather system based in Madison, Wisconsin, U.S.A.

Through the system, GMA Weather is able to highlight key weather events and show exactly how the weather will impact on peoples’ lives. All these are shown with the highest resolution model data available, with 16 times more detail and accuracy.
GMA Weather, also provides expert weather analysis by science journalist Karen Cardenas as well as constant and accurate weather updates via GMA and GMA News TV’s  news programs, DZBB, GMA News Online, and its Twitter and Facebook accounts. The program is a major component of GMA News Public Service campaign  “I M Ready.”

In this 60 Minutes interview, the 52-year old premier forecaster may have become a bigger celebrity now, with his work more recognized and appreciated. But amid the rains, we are pleasantly surprised to find such a humble and warm man, the Mang Tani whose main concern is to deliver fast, accurate and credible weather news to help keep Pinoys safe from harm. (Rachel C. Barawid)

STUDENTS AND CAMPUSES BULLETIN (SCB): From the time he assumed his position, President Noynoy Aquino has been hard on PAGASA. Laging nasasabon ang ahensiya. Do you think this is fair?

NATHANIEL “MANG TANI” CRUZ (NC): Mahirap namang sabihing unfair kasi baka merong hinahanap ang Presidente na puwedeng ibigay ng PAGASA kaya lamang baka nahihirapan pa. As a decision maker,  the President needs accurate information on which he can base his decisions, lalo na in extreme cases like bagyo. But considering na ibinibigay ng gobyerno sa PAGASA ay talagang marami na — Doppler radar, training of forecasters, additional stations, gauging stations, water level stations, tumataas na ang kakayanan ng PAGASA na magbigay ng advisory or warning.

SCB: PAGASA always gets the flak…

NC: Ang nangyayari noon, after an event, ang daming magagaling na magsasabi, “Ang PAGASA kasi, ganito.” ‘Yun ang isang natutunan ko. Huwag mong pansinin ang mga kritiko. Ang pinakamaganda, you have to raise the bar pagdating sa iyong science. Kung ano man ‘yung kagamitang nandiyan, pagtiyagaan. Kailangan kayo ng bayan, kailangan kayong magbigay ng forecast.

SCB: Three years ago, during Ondoy, a lot of blame was put on PAGASA for alleged lack of accurate forecast…

NC: Bago kasi ako umalis, ‘yun ‘yung pilit nating pinapabili, ‘yung Doppler radar. Now the thing is, because PAGASA already has eight, ang expectation ng tao na lahat ma pe-predict mo na. Hindi naman ganun.  Nadagdagan ang kakayahan ng ating forecast center, nakakapagbigay na sila ng color-coded warning.  Mas marami kang tools, mas maganda. Pero do not expect. But when it comes to forecasting thunder storms, you cannot say 100 percent of the time kaya natin. Kasi nagbabago ang ating panahon, but the accuracy improves.

SCB: What should go hand in hand with accurate forecasting?

NC: We have to give accurate and timely information, pero pagkatapos nun ‘yung response. Kahit gaano katama ang forecast mo, kung walang kikilos, ganyan pa rin mangyayari. May isang bagyo, hindi kumilos si Kapitan, hindi nagreact si Governor, si Mayor walang ginawa. Pero pagkatapos nun, sinong sinisi? Ang PAGASA, hindi daw nagbigay ng warning!

Hindi ko makakalimutan ‘yun kasi mayroong isang bapor na lumubog, yung MV Princess of the Stars dahil sa bagyong Frank nung 2008. Anong ginawa ng may-ari ng MV Princess of the Stars? Kasalanan daw ng PAGASA kung bakit sila lumubog. Kaya idemanda ‘yung director at ‘yung kanyang hepe. Sa kauna-unahang pagkakataon, nun lang nangyari na idinemanda ang isang administrator ng meteorological center dahil sa lumubog na bapor. Napatunayan naman namin ‘yun at binalewala ‘yung demanda nila. Hindi kasalanan ng warning agency kundi makikita na kapabayaan lalo na nung kapitan ng bapor.

RAIN, RAIN, GO AWAY

SCB: Experts say that this heavier rainfall is the new normal. With the recent tropical storm Helen, was there something unusual about it?

NC: Wala naman. It was a regular storm na tumawid sa bansa na may dalang ulan. Hindi naman lahat ng bagyo o ulan na dadaan sa atin ay extreme, may normal pa rin. Mas maganda na sinasabi na ito na ang bagong norm, ang mas maraming ulan para maisama na ito sa mga long-term plans like in urban planning, land use, at ‘yung mga bagong itatatag na siyudad. We’re not talking about the next five, 10 but the next 50 or 100 years.

SCB: Is this new weather pattern part of climate change?

NC: Noon pang early ‘90s, involved na ako sa climate change studies. Hanggang ngayon, debatable ang climate change. May mga siyentipiko na naniniwala na walang climate change kahit na madaming studies na nagbago ang klima dahil sa emission ng greenhouse gases. Kung hindi totoo ang climate change walang problema pero ang katotohanan, tayo ay binabaha, binabagyo, at apektado ng tag-tuyot. Talagang nakakaranas tayo ng extreme events that could be associated with the changing climate system.

SCB: Because weather patterns have dramatically changed, are these new equipment of PAGASA enough or do we need more?

NC: Walang katapusan ang  pangangailangan ng makabagong kagamitan ng isang forecaster, hindi lang PAGASA, even ‘yung mga warning agencies. Kapag ikinumpara mo sa ibang bansa ang  ating kagamitan, forecasting system, warning system, talagang malayo tayo. Sa ibang bansa, automatic na kapag  may pinindot ka, disseminated agad.
We also need a fast and efficient communication system. Walang kakayanan ang mga barangay at remote areas; sila pa naman ang vulnerable. Kailangan mo rin iakyat ang kakayahan ng tao mo kapag bago ang kagamitan. It’s a never-ending cycle.
Ang requirement ng tao nagbago na. Noon, ang requirement lang nila kung uulan ba bukas. Ngayon, tinatanong na, next year ba magiging maulan tayo? ‘Yung El Niño, La Niña na nung araw hindi pinaguusapan ‘yan. Tapos ‘yung mga decision makers natin, power supply, dumarami ang pangangailangan ng mga tao when it comes to weather information.

GOD’S MIRACLE AND GRACE 

SCB: So namangha kayo sa kagamitan sa ibang bansa when you left for greener pastures in 2010?

NC: Nung nagpunta ako sa Darwin, Australia, lahat ng pangarap ko para sa mga forecasters natin nandoon. And yet ‘yung mga forecasters doon, sabi nila luma na nga ‘yung equipment nila, papalitan na raw ‘yun. Sa atin, pangarap pa lang ‘yun.

SCB: Why did you come back?

NC: Pumunta ako sa Australia para sa pamilya ko ‘yun, hindi para sa akin.  Pero nagkaroon ng hindi magandang pangyayari sa asawa ko.  I applied sa Bureau of Meteorology as an international meteorologist at sa awa ng Diyos, nakuha ako.
Pero na stroke ang asawa  ko. Dalawang taon na lang sana, Australian citizen na kami. Pero dahil mas mahalaga ‘yung magiging kalagayan ng misis ko, kailangan sa rehabilitation niya ‘yung makikipag-usap sa tao, hangga’t maari Pilipino, kailangan ibalik sa diwa niya ‘yung nakaraan kasi naapektuhan ang isip niya, kailangan naming bumalik. Awa ng Diyos,  hindi ako nagkamali ng desisyon na bumalik, binigyan tayo ng Panginoon ng bagong grasya. Maliban sa gumaling ang misis ko, binigyan ako ng pagkakataon ng GMA.

SCB: What happened to your wife?

NC: February last year, kauna-unahang birthday ko na hindi sila kasama. Nagpunta siya ng Darwin dalawang linggo para lang magkasama kami. Pero sumakit ‘yung ulo niya, nasusuka siya. Sinabi ko sa pharmacist nung bumibili ako ng gamot, sabi niya bantayan ko muna and then bukas, kapag hindi nagbago sakit ng ulo niya, dalhin ko na sa ospital.

Pagbalik ko sa bahay, nage-mail ako sa tatlong anak ko na  nandito sa Manila. ‘Yung panganay ko 27, tapos 24, tapos 22 ‘yung bunso ko. Ayaw nila lahat pumunta Australia. Lahat professional pero puro wala pa asawa. Sabi nila baka na-stroke na si Mommy, pero ayaw niya magpadala sa ospital. Inobserbahan ko hanggang bandang alas dos ng madaling araw, dalawa lang kami sa kuwarto, nasa third floor kami, nataranta na ako. Buti na lang me parang 911 doon. “Where are you?” sabi niyang ganon. “I’m here in Darwin. I can’t wake up my wife.” Ang unang tanong doon, life threatening ba ‘yung tawag ko, ang sabi ko yes. Maya-maya, after five minutes, may dumating kaagad na ambulance.

Two-thirty ng umaga, dinala siya sa emergency and the initial assessment was brain tumor. I-airlift nila sa Melbourne kasi doon daw ooperahan ang asawa ko. Ang assessment, na-stroke ang misis ko habang natutulog, namaga ang utak at nabarahan. Hindi na siya nagsasalita, hindi na siya nakakapagisip, hindi na siya nakakakilos, humihinga na lang siya. Dapat siyang maoperahan kaagad.

SCB: And you were alone?

NC: Noon ko naranasan ‘yung nagiisa ka. Ayokong tawagan ‘yung mga anak ko dahil ayokong sabihin sa kanila na ‘yung mommy nila, dumalaw lang dito, ganito ang nangyari. ‘Yung mga  kapatid ko nasa Melbourne din.

SCB: What happened after the surgery?

NC: Masyadong malubha ‘yung nangyari. Namaga daw ng husto ‘yung utak niya, marami na ang namatay na brain cells. Hindi nila alam kung maibabalik pa siya. Sabi nila, they don’t know what would happen to her. Ang sabi ng doktor, hindi ko raw ba nakikita na my wife is suffering? Gusto ko ba daw ng ganun? I’m sorry, but I love her. Hindi ko matitiis na mawala siya. Hintayin niyo na lang ‘yung mga anak ko kasi hindi ako makakapagdesisyon.

Nasa ICU ang misis ko, pero araw-araw kinakausap ako nung doktor at sinasabi na pumayag na ako na matanggal ‘yung ventilator. Masakit para sa akin, pero sa kanila normal lang ‘yun, na ‘yung isang tao ayaw nilang nahihirapan. Ang sabi ko, there will be a miracle, she will live. Pabayaan niyo lang siya.

Pagdating ng mga anak ko after a week, nag-meeting kami. ‘Yung team of doctors, ipapaliwanag ngayon sa pamilya kung bakit kailangan na ialis ‘yung ventilator. ‘Yung patient advocate ipagtatanggol ‘yung pasyente, ‘yung social worker sasabihin kung ano ‘yung mga implikasyon. ‘Yung isa sa mga concerns nila is walang insurance ang asawa ko, mahal ang babayaran ko sa ospital. Samantalang kung papayag ako.... Sa kanila, praktikal. Kapag wala nang pag-asa ang pasyente, sige na, pumayag ka na.

Kahit nag-iiyakan kami, inalis ‘yung ventilator kay Glo, sabi sa amin, if you believe in miracles, why are you afraid? Inilipat si Glo, inilabas ng ICU, at nilagyan ng tracheostomy. Halos two weeks siyang comatose. One day, pagkasimba naming mag-anak, napansin ng anak ko na nakadilat si Glo. Dumating ‘yung doctor, hinawakan ‘yung kamay niya. “Gloria, Gloria, can you hear me Gloria?” Tumango si Glo. Sigawan kami! Sabi nung doktor it’s a miracle!

SCB: Was it a miracle indeed?

NC: (Mang Tani tears up.) I found out na meron na pala silang standing order na kapag si Glo muling inatake, they would not revive her dahil patay na siya. But they lifted that, because she is alive.

Nagsimula si Glo parang bata. Tinuruan siyang huminga, magsalita, kumain dahil ‘yung utak niya nakalimutan lahat ‘yun. At awa ng Diyos, after three months, bumalik ‘yung pagsasalita niya, ‘yung kaniyang memory unti-unting bumalik.

SCB: When did you come home?

NC: July of last year. ‘Yung doktor na tumitingin sa kaniya hindi makapaniwala na hindi naapektuhan ‘yung pagsasalita ni Glo, na natatandaan niya kahit ‘yung nakaraan pa, talagang it was a miracle. God is so great na ibinalik niya...I’m sorry. (Mang Tani tears up again.) It’s a life-changing experience. Siguro nung nagdedesisyon ako na huwag ipatanggal ‘yung ventilator, she was with me, she was saying “Daddy, huwag kang papayag dahil lalaban ako. Mabubuhay ulit ako.”

A SECOND CHANCE 

SCB: You started as GMA-7’s resident metereologist in June. How was your first time in front of the camera like?

NC: Nanginginig ako (laughs). Nasa chroma screen ako, ano gagawin ko dito sa green na pader? Nung araw kasi kapag ininterview ka, nakatingin ka lang sa camera, may TV kasi dun sa PAGASA, ituturo ko lang ‘yun. Dito, iba na. Ang ganda ng graphics at ikaw ‘yung nagko-control ng hindi lang isa o dalawang slides, minsan sampung slides. ‘Pag click ko, mabubulol naman ako dahil iba naman ang sasabihin ko. Sabi ko, Diyos ko po paano ito…(laughs)

SCB: Did you have stage fright?

NC: Pagdating ko sa bahay after my first show, sabi ng misis ko, “Para kang robot!” Pero awa naman ng Diyos pagkatapos ng ilang linggo, ngayon medyo relax na (laughs).

SCB: TV star na kayo!

NC: Sabi ko, napaka suwerte ko dahil sa pagkakataon na binigay sa akin. Ngayon kapag naglalakad ako kung saan man marami nang bumabati. Kasi hindi lang naman sa 24 Oras ako nakikita, halos sa lahat ng news ng Channel 7. Natutuwa din ako na mas naipapaliwanag ko at mas naiintindihan ng mga tao. At ‘yun naman talaga ang magiging papel natin.  Nandito tayo para mas mapaliwanag natin ng maayos sa tao.
Natutunan ko eh ‘yung sa pagsasalita. Siyempre ako, teknikal, teknikal ang ginagamit ko. ‘Yung “pulo-pulo” “dagliang pag-ulan” “kalat-kalat” eh ‘yung tao hindi alam ang pulo-pulo at kalat-kalat. ‘Yun ang sinabi rin sa akin, Mang Tani, mag adjust ka dahil ang nanonood sa atin ay hindi lamang ‘yung nasa A and B, lalo na ‘yung nasa C, D and E na kailangan ‘yung mas simpleng salita, kailangan maiintindihan din nila.

SCB: Have you ever made a mistake in a forecast?

NC: Walang forecaster ang makakapagyabang na laging tama ang forecast. Maaring ngayon, inaanalyze natin ito, after two hours, nagbago ‘yun. ‘Yung sinasabi mong thunderstorm, biglang hindi tumuloy. Pero ang mahalaga doon, you can explain what happened. Kung kanina, dito dadaan ang bagyo dahil sa analysis at datos, eto ‘yung nakita namin. Kung hindi nangyari, tingnan mo ulit.

Kapag hindi nangyari ‘yung sinabi mo, hindi ka nagkamali, kundi may pagbabago na dapat nakita mo kaagad. Lahat may explanation. ‘Yung nga lang, minsan e kulang ka ng gamit kaya ‘yung dapat nakita mo, hindi mo nakita. Nung nandun ako sa PAGASA, sabi ko nga, never nagkamali ang PAGASA. ‘Yung weather ang hindi sumunod sa sinabi namin (laughs).

SCB: Have you made a mistake on air? How did you recover?

NC: Ay naku (laughs). Meron kang sasabihin na hindi mo pala dapat sabihin. O kaya meron kang ipapakita na pagtingin mo sa monitor, wala. Dapat laging may presence of mind kapag may tinanong sa iyo. Pero minsan biglang wala sa script ang itinatanong (laughs)! Ganon si Mel at si Mike. Huwag kang aasa na kung ano yung nasa script, ‘yun ang itatanong nila.  Mayroon rin akong natutunan doon, na kapag ikaw ay nag report kay Ma’am Jess (Jessica Soho) para kang estudyante na pagkatapos ng report, tatanungin ka nang wala sa script.

Minsan hindi ko makakalimutan, tinanong niya ko tungkol sa suspension ng klase. “Mang Tani, ano po bang masasabi niyo, sino ba dapat ang magdesisyon sa suspensyon ng klase?” Sa loob loob ko, Ma’am bakit niyo ako tatanungin tungkol diyan, hindi ko naman sakop ‘yan, pero siyempre sumagot pa rin ako kahit nanginginig na ko. “Jessica, sa tingin ko magulang ang mayroong responsibilidad kung dapat bang papasukin ang mga anak nila o hindi. Kasi ‘yung barangay captain, hindi naman niya alam kung baha ba sa lugar nila, mga magulang lang.” Awa ng Diyos, ‘yun pala dapat ang sagot. Pero sa loob loob ko, Ma’am naman weather na lang ang itanong mo (laughs).

A PASSION, A VOCATION

SCB: Did you always want to be a meteorologist?

NC: Ewan ko nga pero siguro nung panahon namin, walang batang nangarap na maging isang meteorologist kasi hindi namin alam ‘yung science ng meteorology. Agricultural Engineering ang natapos ko eh kailangan magtrabaho na ako kasi ‘yung kapatid ko pag-aaralin ko. ‘Yung tatay ko nagdadala ng paninda sa mga tindahan. Meron siyang kakilalang driver na taga-PAGASA, baka gusto ko daw doong magtrabaho, ipapasok ako.
Noong pumunta ako sa PAGASA para mag-apply, magte-training ka pa pala ng isang taon para maging meteorologist. At ‘yung training mo na ‘yun, wala kang sahod, meron ka lang stipend. That was 1982, P1,000 plus lang ‘yung stipend. Pinagtiyagaan ko hanggang ako’y involved na sa forecasting.

SCB: Did you readily find meaning in being a forecaster at that time or was it just a job?

NC: Doon na pumasok sa isip ko na madaming naapektuhan  ang pagiging forecaster. Hindi lang isang buhay ang naililigtas mo, milyong tao ang naililigtas mo kung makarating sa tao ‘yung iyong advisory or warning, o kaya naman daang libo ‘yung nakaligtas sa sakuna kung tama ‘yung forecast mo.

SCB: What would you consider the most memorable storm or typhoon for you as a meteorologist?

NC:  Ang number one was Milenyo, kasi ako ang OIC (office-in-charge) nun. Sinabi namin tatama ng Metro Manila, umaga o bago mag tanghali. Nag meeting kami sa Camp Aguinaldo, ‘yung Office of the Civil Defense, si Presidente Arroyo. Bago magtanghali lumalakas na ‘yung hangin. So tama at accurate. Kaya saludo sila nun sa PAGASA. Pero siyempre out of 20, ‘yung 19 na tama mo, kinabukasan namali ka sa pang 20, nakalimutan na nila lahat. Kaya ikaw dapat accept it as a challenge.

SCB: Anong kailangan paghandaan ng isang meteorologist lalo na sa Pilipinas, maliban sa lack of resources?

NC: Bokasyon kasi ‘yan, na pag ikaw ay isang meteorologist do not expect na yayaman ka. Ang mahalaga eh ‘yung serbisyo mo sa tao. Sinasabi ko ngayon sa mga forecasters na pagbutihin niyo, lalo na ‘yung mga bata. Kapag sinasabi na namamali tayo, huwag kayong mawalan ng pag-asa kahit nasa PAGASA kayo. Pagbutihin natin ‘yung science ng meteorology para makita ng mga tao na hindi tayo nagpapabaya. ‘Yun nga maliit ang oportunidad pero dadami ‘yan, magbabago.

SCB: Are there many students going into this field?

NC: Wala palang BS Meteorology na course, sa masteral lang sa University of the Philippines. So ‘yung Agham Partylist, PAGASA at isang private group, nagtayo sila ng limang schools nationwide, hindi lang sa Metro Manila, pati sa Mindanao, Cebu, Bicol na libre pa. Kasisimula lang ngayong taon.

SCB: Now that even TV stations are getting their own meteorologists, do you think there are more opportunities for them now?

NC: ‘Yun ang nakikita ko. Sa ginawang hakbang ng GMA, siyempre ang mangyayari diyan naglalaban laban. Pero sinabi ko sa mga forecasters na kailangan pagbutihan niyo. Dahil kung naglalaban laban ‘yung mga istasyon, magpapagalingan ‘yan eh. Baka dumating sa punto na ‘yung mga tao doon na naniniwala. Eh ‘yung PAGASA yun ang government agency mandated to provide information so kailangan itaas niyo rin ang antas niyo.

SCB: Friends po ba kayo ni Kuya Kim (Atienza, ABS-CBN’s weather reporter)?

NC: Tinuruan namin siya. Binoto ko siyang konsehal sa Maynila.

SCB: Do you think the country will ever be prepared for the problem of flooding?

NC: Our number one problem is resources eh saka ‘yung dami ng tao. Karamihan ng mga tao ngayon, nakatira sa mga high-risk areas tapos ayaw nila umalis. Eh hindi mo naman masisi. Sino naman ang may gusto na binabaha ka, saka saan sila dadalhin?
Noong araw, ang storm surge hindi pinapansin ‘yan. Kasi doon sa dalampasigan na walang tao, kahit tumataas ang alon, bumabaha walang apektado. Pero ngayon ‘yung mga nakatira sa Cavite, sa mga dalampasigan ng Ilocos, Cagayan na dating walang tao, ngayon nararamdaman na nila. ‘Yung mga dating lugar na binabaha pero walang tao, ngayon konting ulan lang binaha, ang dami nang apektado.



Mang Tani: Up close and personal
 August 21, 2012 6:28pm

In the 1970s and '80s, meteorologist Amado Pineda was a familiar face to millions of Filipinos as GMA's TV weatherman.

But for a new generation of viewers, the face of TV weather belongs to Nathaniel Cruz, GMA's resident meteorologist — Mang Tani to fans. And his signature sign-off phrase, “Magplano, magsiguro, makibalita sa GMA Weather," might soon become as familiar as Pineda's “That's the latest from PAGASA."

GMA News Online had a one-on-one interview with the affable Mang Tani regarding his life and career. Some of the questions were 
submitted by viewers on GMA Weather's Facebook page.

Q: Bago kayo naging weather forecaster ng PAGASA, ano po ang inyong naunang career?

A: Wala. Right after graduating college, nag-apply na ako agad sa PAGASA. Isang taon ako naging trainee as a meteorologist, and then, tuluy-tuloy na iyon, hanggang sa nagresign na ako nung pumunta ako ng Australia. Pagiging meteorologist lang ang naging career ko, wala nang iba.

Graduate ako ng Agricultural Engineering sa Araneta University na ngayon ay De La Salle Araneta na. Pagkatapos noon, kumuha ako ng Master's [degree] — MS in Meteorology sa UP Diliman, at itinuloy ko yung Ph.D. Unfortunately, hindi ko pa 'yun natatapos so 'yun yung aking post-grad.

Q: Bakit po sa PAGASA kayo nag-apply kahit na kayo ay Agricultural Engineering graduate?

A: Ako ay galing sa mahirap na pamilya. Ako ay pinag-aral noong aming panganay. Pangalawa ako sa magkakapatid. Noong grumadweyt ako, may sumusunod sa aking babae. Kailangang mag-aral siya. Ang sabi ng tatay ko, ako na 'yung magtrabaho para tulungan siya.

'Yung tatay ko, may kakilala na driver ng isang opisyal sa PAGASA. Lumapit siya roon at nagtanong kung pwede niyang ipasok 'yung anak niya. So, ayun. Doon nagsimula. Kumuha ako ng entrance exam para magtraining.

Q: Ilang taon po kayo nag-stay sa PAGASA?

A: Nagsimula ako, 1982. Tapos umalis ako ng 2010. 28 years, imagine?

(See a GMA interview with Cruz when he was still with PAGASA 
here.)


METEOROLOGY...AND METEORS?


Q: Before po kayo pumasok sa PAGASA, interesado na po ba kayo sa weather?

A: No. Even meteorology...I [didn't] know what's meteorology. Di ba? Kasi, natatandaan ko, kumuha ako ng exam. Meron doon na essay part. Ang tanong, "Why do you want to become a meteorologist?" Sabi ko noon, "I want to become a meteorologist because I love planets, I love meteors." E kasi wala namang meteorology noon e. Kahit sinong bata tanungin mo noon kung ano meteorology, ang unang papasok sa isip noon meteorites, planets, heavenly bodies, di ba? Walang magsasabi sa iyo except ngayon na meteorology is the science that deals with the atmosphere's phenomena. Wala noon!

Q: Bilang mahigit 20 years na kayo na weatherman, what does it take to be called a meteorologist?

A: Tulad ngayon, walang undergrad courses, o eskwelahan na nag-offer ng meteorology, so sa ngayon, hindi madaling maging meteorologist. Unang-una, you need to be trained, hindi isa o dalawang buwan kundi isang taon halos. Paano na 'yung bagong graduate? Naghahanap ka ng trabaho. Tapos 'pag nag-apply ka dito sa PAGASA para maging professional level ka na, e, magte-train ka pa ng isang taon. So, parang, "Ha? Trabaho ang hinahanap ko...."

Siyempre, kailangan mong maging matiyaga. Ganoon ang nangyari sa akin. Nagtiyaga kami na stipend lang sa loob ng isang taon. At nagbunga naman. Kasi may mga kasama kami na mag-train na hindi nagtagal. Sila, after two months, "Hindi ko na kaya, maghahanap na ako ng trabaho."

Q: Sino po bang mga role models n'yo?

A: Ang isang idol ko, ay 'yung isang dati naming boss, si Dr. Leoncio Amadore. Naging chief siya ng PAGASA in 2004? Or 2002-2003. Sa kanya ko nakita 'yung naging boss ng PAGASA pero nanatiling 'yung kaniyang buhay, simple. 'Yung science of meteorology, pinilit niyang inangat. Pero in the end, natanggal din siya dahil may mga anomalyang idinikit sa kanya na sa tingin ko ay hindi naman totoo.

Q: Ano ang pinakamahirap na parte ng pagiging weather forecaster?

A: Siyempre 'yung hindi tumama 'yung forecast. 'Yun, and how to explain to the public bakit 'yung sinabi mong uulan ay hindi umulan, at bakit 'yung sinabi mong dadaan 'yung bagyo ay hindi dumaan?

Q: Ano naman po yung pinakamasayang part ng pagiging weather forecaster?

A: Siyempre 'pag tumama 'yung forecast.

Q: Sir, I understand na not all weather forecasters sa PAGASA is a meteorology graduate. Wala po bang discrepancies 'yun pagdating sa forecast nila?

A: Mayroon. Kaya lang, ang nangyayari kasi, one-year training tapos masasabak ka na sa real world, that is forecasting.

Siyempre hindi mo naman pwedeng sabihin na the best ka na. At pag bagong trainee, 'pag pinadala mo riyan, kahit na maski doon sa Australia — mayroong four years na meteorology roon — 'pag sumabak ka na sa forecasting, as an operational forecaster, ibang-iba.

Kaya 'yun na mismong pinaka experience mo ang magdadagdag sa training mo. So one year is not really enough. Pero ngayon, sa tingin ko, mas maganda kasi mayroon nang four years na meteorology kaysa doon sa one-year training course na ibinibigay ng PAGASA. Pero hindi nangangahulugan iyon na inferior 'yung mga grumadweyt ng ibang kurso. 'Yun nga, 'yung experience mo as forecaster ang magiging advantage mo.

Q: Pero kumusta na po ba ang state ng meteorology at meteorology education dito sa Pilipinas?

A: One good thing is that, 'yung PAGASA, in cooperation with AGHAM Party List, nagbukas na sila ng BS in Meteorology. Namili sila ng mga estudyante from different universities, at meron namang pumayag. Mga second year college students ito, sa third year nila, nag-shift na sila sa BS Meteorology. Mga Engineering, BS Math students sila — 16 sila ngayon.

So imagine, siguro, mga five years ago, kung nag-open ang PAGASA o nag-offer ng Meteorology noon, palagay ko baka walang magkakagusto. Pero ngayon, imagine, 16. Baka next year, baka hindi lang PAGASA. Baka pati Ateneo at tsaka ang UP, at iba pang eskwelahan, again, baka mag-ooffer na sila ng ganiyang regular four-year courses.


GOING TO AUSTRALIA


Q: Paano n'yo po napagdesisyunan na lumipat sa Bureau of Meteorology sa Australia?


A: Hindi madali 'yung desisyon na ginawa ko kasi nga buong buhay ko halos, nasa PAGASA ako. Una natatakot ako dahil 'pag umalis ako papuntang Australia, I have to resign. Dalawampu't walong taon ka roon, 'yun ang kauna-unahan mong trabaho, kumbaga nakatali na ako. Hindi naging madali ang desisyon.

Tinanong ko 'yung aking mga anak. Tinanong ko 'yung misis ko although 'yung misis ko talaga, ayaw niya. Kasi ganoon din, unang trabaho rin niya at hanggang ngayon, narito siya. So sa pag-uusap namin, na itong gagawin ko ay hindi para sa akin kundi para sa mga bata, sa mga anak ko, kasi maraming opportunity sila doon sa Australia.

(Watch the GMA report on Cruz's leaving PAGASA 
here.)

Q: Tama po ba para isipin na isa sa mga reasons kung bakit kayo lumipat papuntang Australia ay may kinalaman talaga sa salary?

A: Oo naman. Hindi naman talaga mawawala iyon. And, pero next reason na lang iyon. Ang unang-una roon ay 'yung kinabukasan ng aming mga anak. Kasi hindi naman namin kailangan talaga ng sahod kasi graduate na 'yung tatlong anak ko. So ang unang inisip namin talaga is 'yung opportunities para sa mga anak ko, and then of course, nagkataon lang na 'yung sahod mo rin ay mas mataas kaysa current doon sa tinatanggap mo.

Q: Gaano po ba ang ratio po ng salary ng PAGASA vs BoM sa Australia?

A: Aaah, 'yung ipagtatrabaho mo doon ng isang taon, e ipagtatrabaho mo ng kulang-kulang sampung taon.

Q: May current issue po ngayon tungkol sa suspension of benefits sa PAGASA. Ano po ang masasabi n'yo tungkol doon?

A: [K]ahit noong nandoon pa rin ako e. Siyempre, ang gobiyerno, minsan, walang pondo. Hindi maibibigay lahat ng benepisyo. Although may batas naman. Naipapasa iyan nang walang kaukulang pondo. Pero kung sabihin natin kung mayroon bang dahilan at mayroon bang karapatan ang mga taga-PAGASA na hingin ang kanilang benepisyo, yes.

Tsaka iyon nga, kung ikukumpara mo ang responsibilidad ng PAGASA vis a vis 'yung ibang mga government agencies, e, mas malaking responsibilidad. Dapat lang na bigger... Siguro nga, 'yung mga forecasters natin na imbes na lumipat sa ibang bansa, dapat nating bigyan ng mas mataas na sahod dahil kailangang-kailangan sila.

Q: May nagtanong po sa Facebook, "Darwin is a sleepy town in Australia. ["Yes, it's true!" —Mang Tani] How did you cope with the change in lifestyle, culture and language?"

A: My goodness, naku, dumugo ang ilong ko. Unang-una, hindi ko maintindihan 'yung sinasabi nila. Tapos sila, hindi rin nila ako maintindihan. Ay, biruin mo! Tapos dito, nagpapaliwanag ako, pagdating doon, sumagot ako ng telepono, hindi nila maintindihan 'yung sinasabi ko? Sino ba naman ang... Dios ko, gusto ko nang bumalik dito kaya lang nagresign na ako sa PAGASA. Hirap, napakahirap. Kultura, komunikasyon, kapaligiran, lahat iyon, nagsimula ka sa lahat kaya napakahirap.

Q: Gaano po ba kayo katagal sa Bureau of Meteorology?

A: Two years. Pero 'yun ngang two years na iyon, hindi pa nga sapat iyon e. Unti-unti ko pa nga lang silang naiintindihan e. 'Yung language 'yung number one kasi, tayo... [sila] mayroon pang Australian accent. Tapos tayo, American accent. And they hate everything that is associated with Americans. Oo! Sports, language, terminologies, lifestyle... They hate them!

Q: So, paano po ang ginawa n'yo noon?

A: Andoon na ako e. So, I [had] to adapt. Wala akong magagawa. Kahit na hirap ako, lahat iyan pag sumagot ako ng telepono, hindi ka maintindihan. Tapos sila, hindi ka rin maintindihan. Tapos ako, sasabihin ko, "Excuse me, please speak slowly." At doon, hindi ka maiilang. Kasi ang number one, kahit 'yung mga kasamahan mo, magtatanong sila, "Did you understand me, Tani?" Ayan... So pag hindi, uulitin nila. Ganoon sila kabait.

Q: How [would] you compare [PAGASA to the Australian Bureau of Meteorology], in terms of technology tsaka organizational structure din?

A: Of course, [Australia's] a developed country, so pagdating sa technology, pagdating sa system, pagdating sa equipment, ibang-iba. Of course, they are afar. E tayo siguro, mga 10 years behind, or maybe even more than 10 years. Pati na rin 'yung work attitude ng mga tao. Doon, pag pumasok ka sa trabaho, talagang magtatrabaho ka sa otso oras, ibibigay mo kung ano 'yung alam mo. E pagdating dito... Siyempre nakita ko na 'yung pagkakaiba.

Siyempre, sa pangarap ko, hindi lang 'yung technology, kundi pati rin 'yung attitude sa work, sana makuha natin kahit na kalahati lang. Kasi doon, pag talagang di ka masipag, talagang aayaw ka, "Ayoko nito, 'di ko kaya ito." Pero sa kanila, normal lang iyon.


COMING HOME


Q: Ano po yung nagpabalik sa inyo dito sa Pilipinas ulit?


A: Pamilya. Kahit pala gaano kasarap ang buhay mo sa ibang bansa — sahod, alwan, trabaho — pero pag hindi mo kasama 'yung pamilya mo, at ayaw nila, ay mapipilitan kang iwan lahat. Nagkataon nga lang na noong nagdesisyon akong iwan lahat ay narito 'yung GMA para mag-offer ng panibagong oportunidad.

Q: Naniniwala po ba kayo sa miracles?

A: Yes! And miracles do happen. Because of 
what happened to my wife, I believe that miracles do happen.


KAPUSO CAREER


Q: Paano naman po nagsimula ang career n'yo po bilang resident meteorologist dito sa GMA?


A: Wala rin sa plano iyan. Hindi ko rin pinangarap na darating ang araw na ako'y haharap sa TV at magiging isang weather forecaster o weather presenter. Siguro talagang lahat ay kapalaran.

Noong umalis ako ng PAGASA, buo na ang plano ko noon, dito na kami ng pamilya ko [sa Australia]. Hindi ko na inisip na babalik pa ako. Sabi ko, hindi na, siguro para na lang magbakasyon... dadalawin ko 'yung mga nanay ko. Ayun. Ganoon na lang. Pero 'yung sabihin mong titira dito? Hindi. Sandali na lang ako dito. Pero dahil sa nangyari, talaga sigurong kapalaran ko na dito ako mag-stay sa Pilipinas.

Q: Paano kayo nag-aadjust? Kasi noong nasa PAGASA kayo, although you go on-cam, hindi naman po sing-extensive dito.

A: Yeah. Hanggang ngayon, nag-aadjust pa ako. Unang-una, 'yung words that I have to use, 'yung language, na dapat maging mas simple ako. Noong nandoon ako sa PAGASA, kapag iniintierview ako, siyempre, kung ano 'yung ginagamit namin na mga terminologies, 'yun ang ginagamit ko. 'Yung mga pulu-pulo, hindi na iyan 'yung dapat kong gamitin.

'Yung kung ano pang mga impormasyon ang dapat malaman ng mga tao, considering that we have a system now dito sa GMA, we have the capability. I should say something that people would understand. Hanggang ngayon, nag-aadjust pa ako. Pero number one is paano ka makakapagbigay ng impormasyon sa isang simple at mauunawaan na lenggwahe?

Q: How do you feel naman po na lumalaki na ang inyong fan base, na lumalaki na ang inyong following?

A: Natutuwa ako. Pero at the same time, at least, people appreciate 'yung pinapaliwanag natin at naiintindihan. Kasi iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito, para mas makatulong sa PAGASA.

Kasi ang PAGASA, kung minsan, maglalabas ng impormasyon, minsan di na maiintindihan ng tao. As a forecaster, you don't care. Kanila kasi, nagbigay ako ng warning sa inyo, di ba? Na-realize ko na hindi sapat iyon. Kung tumama ang forecast pero may namatay, wala rin. Pero 'yung forecast mo kahit hindi tumama nang husto pero walang namatay, 'yun, 'yun 'yon.

So, natutuwa ako at 'yung mga tao naman pala ay nauunawaan ako at parang 'yung pagbabalik natin ay worth it.

Q: Message po sa mga fans?

A: Ay! Thank you so much sa tiwalang ibinibigay nila. Tsaka hindi sila ang dapat magpasalamat. Dapat ako ang magpasalamat sa kanila. Dapat silang magpasalamat sa Diyos dahil ginawala Niyang kasangkapan ang GMA para mapunta ako dito. So, magpasalamat sila sa Diyos at tsaka sa GMA. — BM, GMA News

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...